-- Advertisements --
Inatasan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kaniyang military na magsagawa ng plano p ara sa pagpapalikas ng mga mamamayan ng Rafah dahil sa pinaigting nilang operasyon laban sa Hamas.
Nasa mahigit 1.3 milyong katao kasi ang populasyon ng Rafah kung saan karamihan sa mga dito ay galing pa sa ibang bahagi ng Gaza.
Ang Rafah kasi ay siyang natatanging lugar sa Gaza na hindi pa nalulusob ng Israel Defense Forces sa patuloy nilang pagtugis sa mga Hamas.
Magugunitang sinabi ng US na hindi nila susuportahan ang Israel sa paglaban nito sa Rafah dahil sa maraming mga inosenteng mamamayan doon ang madadamay.