-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay on the spot ang isang negosyante sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Ramon Cabritos,34 anyos,may asawa,chicken vendor at residente ng Banga South Cotabato.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na habang nagtitinda ng manok ang biktima sa Barangay Alip Datu Paglas Maguindanao ay bigla itong nilapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan sa isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Paglas.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Paglas PNP sa pamamaril patay sa biktima.