-- Advertisements --
Mananatili sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula Septembre 1-30.
Ito mismo ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Kabilang na nasa ilalim ng GCQ ang mga probinsiya ng Bulacan, Batangas at lungsod ng Tacloban at Bacolod.
Habang nasa modified enhanced community quarantine o MECQ sa Iligan City at ang natitirang bahagi ng bansa ay mananatili sa modified general community quarantine (MGCQ).
Dagdag pa ng pangulo na hanggang wala pang bakuna laban sa coronavirus ay dapat sundin pa rin ng mga mamamayan ang ipinapatupad na health protocols gaya ng physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagsuot ng face mask.