-- Advertisements --
Dormitorio Dog
Cadet Dormitorio’s dog “Brando”

Tiniyak ng National Bureu of Investigation (NBI) na malakas ang kanilang isinampang kaso laban sa mga sangkot sa pagkamatay ng 4th class cadet ng Philippine Military Academy (PMA) na si Darwin Dormitorio.

Ayon kay NBI-National Capital Region-(CAR) Regional Director Hector Geologo, isinama na nila bilang respondent sa reklamo sina dating PMA superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at dating commandant of cadets Brig Gen. Bartolome Bacaru na kanilang kinasuhan sa Baguio City Prosecutors Office.

Bukod pa ito sa pitong kadete na nauna ng kinasuhan din ng Baguio PNP kamakailan.

Kabilang sa mga kasong isinampa ng NBI sa mga nabanggit ay ang paglabag sa Anti-Hazing Law at paglabag sa Anti-Torture Act at murder.

Isinama din sa kaso ang tatlong PMA doctors na sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at medical malpractice.

Ang paghahain ng reklamo ng NBI ay kasunod na rin ng utos ng Department of Justice (DoJ) na magsagawa ng kanilang case build up.

Ito ay para panagutin ang mga nasa likod ng pagkamatay ng kadeteng si Dormitorio.