Nakatakdang maglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Nancy dela Rosa, misis ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, kaugnay ng mga naging pahayag nito hinggil sa insidente sa Senado noong Mayo 13.
Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na inihahanda na ng ahensya ang subpoena matapos maiugnay kay Nancy dela Rosa ang mga pahayag hinggil sa pananamantala umano ni Sen. Bato na tumakas sa Senado matapos ang palitan ng putok ng baril sa loob ng nasabing institusyon noong Mayo 13.
Ayon sa NBI, dito nagkaroon ng pagkakataon ang Senador na gamitin ang insidente bilang pagkakataon upang makaalis sa Senado.
Bukod kay Nancy dela Rosa, sinabi rin ni Matibag na maglalabas din ang NBI ng subpoena laban sa iba pang mga indibidwal na umano’y huling nakausap ni Senador dela Rosa.
Samantala, pinag-aaralan pa ng ahensya kung kanilang ipapatawag si Senador Robin Padilla, matapos sampahan ng kasong obstruction of justice ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Una nang sinabi ni Padilla na isinakay niya lamang si Senador dela Rosa palabas ng Senado noong madaling araw ng Mayo 14 at ibinaba niya ito sa Makati City.















