-- Advertisements --
Maraming mga NBA players ang sang-ayon sa plano na gawin ang natitirang laro ngayong season sa Disney World sa Florida.
Ang nasabing hakbang ay lumabas bilang paghahanda ng NBA sa pagbabalik na ng mga laro sa buwan ng Hunyo.
Bagamat isinasapinal pa ni NBA Commissioner Adam Silver ang usapin ay sang-ayon naman dito ang maraming NBA teams at players.
Sa nasabing lugar ay mayroong tatlong arenas at malaking hotels na puwedeng pansamantalang tirahan ng mga manlalaro.
Magugunitang noong Marso ng kinansela ang nasabing laro matapos na madapuan ng coronavirus ang ilang mga manlalaro.
Itinakda sana sa Abril 18 ang NBA playoffs subalit dahil sa nasabing pandemic ay posibleng gawin na lamang ito sa Hunyo.