-- Advertisements --

Mayroong karagdagang dalawa ang hanggang apat na linggo pa bago magdesisyon ang NBA para muling buksan ang mga laro.

Ito ang naging pahayag ni NBA Commissioner Adam Silver sa naging video conference niya sa mga iba’t-ibang team owners.

Sinabi nito na pag-aaralan nilang mabuti ang coronavirus outbreak at babantayan ang anumang developments.

Magiging prioridad pa rin kasi nila ang kaligtasan ng mga manlalaro kaya mahalaga na pag-aralan ang anumang magandang development sa coronavirus.