-- Advertisements --

Nagpahayag ng kalungkutan si NBA legend Michael Jordan sa pagkasawi ni George Floyd ang black American na namatay sa kamay ng kapulisan sa Minneapolis.

Michael Jordan

Sinabi nito na mabigat ang kalooban niya sa nangyari kay Floyd na nasawi dahil sa racism.

Dagdag pa nito na sumubra na ang marami sa mga nagaganap na racial crime sa US.

Isinagawa ni Jordan ang pahayag sa magkabilaang kilos protesta sa US dahil sa pagkamatay ni Floyd.