Inanunsiyo ng NBA ang iba pang players na magiging bahagi ng reserves sa nalalapit na All-Star weekend.
Kung maalala una nang kinumpirma ng liga ang magiging starters.
Kabilang sa napasama ngayon sa listahan ay sina Jimmy Butler ng Miami Heat para sa Eastern Conference na sasamahan ng first-time members na sina Darius Garland ng Cavaliers at Fred VanVleet mula sa Raptors.
Magiging bahagi rin sina James Harden ng Brooklyn, Zach LaVine mula sa Bulls, Khris Middleton ng Bucks at si Jayson Tatum ng Celtics.
Sa Western Conference, kokompleto naman sina Devin Booker at Chris Paul na nanggaling sa No. 1 team na Phoenix Suns, gayundin sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell mula sa Utah Jazz, Luka Doncic ng Mavericks, Draymond Green ng Warriors at Karl Anthony Towns ng Timberwolves.
Nitong nakalipas namang linggo nag-abiso rin ang NBA sa 10 All-Star starters na kinabibilangan nina Warriors guard Stephen Curry at forward Andrew Wiggins; Memphis Grizzlies guard Ja Morant; Los Angeles Lakers forward LeBron James; Denver Nuggets center Nikola Jokic; Bulls guard DeMar DeRozan; Atlanta Hawks guard Trae Young; Nets forward Kevin Durant; Bucks forward Giannis Antetokounmpo at Philadelphia 76ers center Joel Embiid.
Ang NBA All-Star Draft Show ay magaganap sa Feb. 10 kung saan pipili ang dalawang team captains na sina James at Durant ng kanilang players.
Ang All-Star game ay gaganapin sa Cleveland sa Feb. 20.