-- Advertisements --
Bumuo ngayon ang NBA na ibibigay na award bilang tribute sa mga naging kontribusyon ng basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar.
Kung maalala ang 7-footer na si Jabbar ang all-time leading scorer ng liga.
Sa anunsyo ng NBA, igagawad ang award sa player na nagsulong at nanguna sa mga isyu sa social justice at pagkakapantay patay ng lahat anuman ang lahi.
Ang mananalo ng Kareem Abdul-Jabbar Social Justice Champion Award ay iaanunsiyo sa playoffs at tatanggap din ng $100.000 para donasyon sa kanyang pipiliing organisasyon.
Apat pang mga players ang magiging finalists na may nakalaan din na tig-$25,000 na premyo.
Kaugnay nito, ang 74-anyos na si Jabbar ay natuwa naman sa hakbang ng NBA dahil sa promosyon nito ng social justice awareness.