-- Advertisements --

foodbank1

Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang launching ng Nationwide Barangaynihan Help and Food Bank project ngayong araw na simultaneous inilunsad sa ibat ibang regional police offices sa buong bansa.

Ayon kay Eleazar, malaking bagay ang mga donasyon na kanilang ipamamahagi sa ating mga kababayan na hirap sa buhay.

Ang pamamahagi ng ayuda ng PNP ay kanila pang pinalawak sa ngayon na nuon ay isinasagawa sa mga piling polic station lamang.

Ipinarada ang mga donasyon ng ibat ibang PNP units dito sa Camp Crame kabilang ang mga trak trak na mga sako ng bigas, delata, gulay at iba pa.

Mayroon ding mga medical supplies na donasyon ng ibat ibang stakeholders.
Nabatid na sa ilalim ng Barangayanihan, namamahagi ang PNP ng mga pagkain sa mga indibidwal na apektado ng pandemya.

Umiikot sila sa mga komunidad para marami ang mahatiran ng tulong.


“The Covid-19 pandemic has tested the true character and unveiled who we truly are as Filipinos-nagtutulungan, may puso at may malasakit sa kapwa natin sa panahon ng kagipitan,” wika n Eleazar.

Umaasa naman si Eleazar na ang lahat ng kapulisan ay makikiisa at isasa-puso ang proyektong Barangayanihan dahil ito ang tunay na kahulugan ng PNP motto na “To Serve and Protect.”