-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Hindi ititigil ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pinapalawig nito na ‘whole of the national approach’ na nakasaad sa kanyang executive order no. 70 para mapahina ng tuluyan ang inihasik na karasahan ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA) sa mga kanayunan sa bansa.

Ito ay kahit muli nang nagkasunod ang kampo ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines tungo sa pagdudugtong sa dating naputol na negosasyon ng usaping pangkapayapaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr na magpapatuloy ang pagpaabot ng serbisyo ng government agencies katuwang ang militar at pulisya para sa mga residente sa kanayunan na dating hindi nabigyang halaga ng gobyerno.

Inihayag ni Esperon na isang epektibo na hakbang ang ‘whole of the nation approach’ kaya hind ito matitigil lalo pa’t nakakalat ito sa buong bahagi ng bansa.

Si Esperon na chairman rin ng task force ay umaasa na magbubunga ng magandang resulta ang nakatakdang pagkikita na personal ni Duterte at CPP founder Jose Maria Sison bilang bahagi ng ‘confidence build-up’ ng dalawang mga pinuno na kapwa nagsusulong na makamtan na ang tunay na kapayapaan para sa taumbayan.