-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang national security adviser ni US President Donald Trump na si Robert O’Brien.
Kinumpirma ito ng White House, kung saan kasalukuyan ng naka-isolate sa kaniyang bahay ang 54-anyos na si O’Brien.
Nagkaroon umano ito ng mild symptoms at hindi umano nito nakasalamuha sina Trump o kaya si Vice President Mike Pence.
Dahil dito ay itinuturing siya ngayon na pinakamataas na opisyal ng White House na nagpositibo sa nasabing virus.
Tiniyak naman ng White House na ang sinumang nakakasalamuha ni Trump ay regular nilang isinasailalim sa COVID-19 testing.
Si O’Brien ay siyang ipinalit ni Trump kay John Bolton na umalis sa puwesto noong Setyembre 2019.