-- Advertisements --

Pumanaw na ang National Artist na si Arturo Luz sa edad 94.

Ayon sa anak nitong si Angela, dakong 8:45 nitong gabi ng Miyerkules.

Hindi naman binanggit nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Isang painter, sculptor at designer si Luz.

Itinuturing ng ational Commission on Culture and the Arts (NCAA) na gumawa si Luz ng kakaibang masterpiece sa sining at kultura ng bansa.

Itinaguyod nito ang Luz Galllery na siyang lugar kung saan ipinapakita ng mga Filipino artist ang kanilang mga gawa.