Pumanaw ang National Artist for Literature na si Resil Mojares sa edad na 83.
Kinumpirma ito ng National Commission for Culture and the Arts sa kanilang post sa social media page nitong araw ng Sabado, Setyembre 5.
Hindi naman na sila nagbigay pa ng anumang kadahilinan sa pagpanaw ng national artist.
Si Mojares ang siyang pangunahing nagsusulong ng mga regional literature at history.
Sa loob ng 50 taon ay nakapaglathala ito ng mga fiction, essay, journalism, scholarly, articles at mga libro.
Nakatuon ito sa literature, history, biography at cultural studies at iba pa.
Ilan sa mga sikat na libro na kaniyang nagawa ay ang “The Man Who Would Be President: Serging Osmeña”; ” Philippine Politics”; ” Waiting for Mariang Makiling: Essays on Philippine Cultural History”; “Brains of the Nation: Pedro Paterno, T.H. Pardo de Tavera, Isabelo de los Reyes” at maraming iba pa.
















