-- Advertisements --
car carrier on fire

Iniulat ni Lapu-Lapu City Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Nagiel Bañacia na ang natapong chemical compound ang sanhi umano ng sunog sa abandonadong barko na MV Diamond Highway sa may bisinidad ng baybayin ng barangay Punta Engaño sa Lapu-lapu city sa Cebu kahapon, Abril 28.

Ayon kay Bañacia, natapon ang acetylene at nahulog ito sa pintura na pinagmulan ng sunog.

Nangyari ang insidente ng sunog pasado alas-2 ng hapon habang sinusubukang lansagin ang barko.

Ligtas namang nasagip ang lahat ng 23 manggagawa ng barko na siya ring humingi ng tulong matapos matrap ang mga ito sa taas na bahagi ng barko.

Inabot ng 10 oras ang disaster response mula Lapu-Lapu city sa pag-apula ng sunog sa abandonadong barko.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), napadpad ang naturang barko sa lugar matapos na sumadsad noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre 2021.

Nagsasagawa ng salvage operations sa naturang barko hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, nagsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang panig ng Bureau of Protection (BFP) sa sanhi ng sunog kabilang na ang tinatayang pinsala ng sunog.