-- Advertisements --

“Nasaan ang angas mo?” – iyan ang matapang na tanong ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima kay Senator Bato Dela Rosa.

Ito ay kaugnay sa kumalat na video kung saan makikitang naghahabulan si Dela Rosa at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay De Lima, nakita niya ang naturang video at para sa kanya ay maituturing itong “pathetic.”

Giit niya, kung tunay na may “angas” si Dela Rosa ay dapat niya itong ipakita ngayong nahaharap siya sa isyu at hindi basta magtago sa likod ng politika.

Binanggit pa ng mambabatas na malaki ang ipinagbago ng dating palaban na imahe ni Dela Rosa kumpara sa mga nakaraang taon, at iginiit na ang sukatan ng isang lider ay hindi ang tapang o angas kundi ang paninindigan at pagpapatuloy ng serbisyo publiko sa kabila ng mga hamon.