-- Advertisements --
Screenshot 2020 10 10 13 23 11

ILOILO CITY- Umabot na sa halos 20 ang naitalang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) infection sa Department of Education (DepEd)-Schools Division of Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay kay Leonil Salvilla, Information Officer ng DepEd-Schools Division of Iloilo, sinabi nito na sa nasabing bilang , siyam ang guro, dalawa ang non-teaching personnel at pito ang mga estudyante.

Ayon kay Salvilla, sa kanilang tala hanggang noong October 8, nasa 10 na ang naka-recover, pito pa ang active cases at may isang pitong taong gulang na estudyante sa bayan ng Dumangas na ang binawian ng buhay.

Tig-dalawang kaso ang naitala sa Badiangan, Batad, Dumangas at Estancia at tig-isa naman sa Carles, Balasan, Barotac Nuevo, Dingle, Guimbal, Miagao, Sta. Barbara, Zarraga at San Miguel.

May isa ring personnel sa lungsod ng Iloilo na nagpositibo sa COVID-19 at hindi pa nakumpirma kung paano nahawa ng virus ang mga pasyente.