Hindi umano isang instrumento na ginagamit sa hydrographic survey ang Chinese-made floating device na nrekober sa may bahagi ng Bajo de Masinloc na tinurn-over sa pamunuan ng Northern Luzon Command (NOLCOM).
Ang nasabing floating device ay nakita ng isang Pilipinong mangingisda 70 nautical miles southwest sa Bajo de Masinloc.
Agad naman nakipag-ugnayan ang NOLCOM sa National Coast Watch Center (NCWC) at sa National Mapping Resource Information Agency (NAMRIA).
Batay sa initial findings ng NAMRIA ang nasabing device ay walang Global Positioning System (GPS) hindi gaya ng scientific bouys na nagmomonitor ng location, wala ding information plate at posibleng parte lang ito ng serye ng bouys.
Ang NCWC ay nakikipag-ugnayan na sa Department of Science and Technology – Advance Science Technological Institute (DOST – ASTI) at sa iba pang concerned agencies suriin ang nasabing devise.
Ayon naman kay Nolcom at Area Task Force North Commander, Lt Gen. Arnulfo Burgos, regular ang isinasagawang maritime and surface patrols ng Philippine Navy at Air Force sa northern maritime borders ng bansa para matiyak na ligtas ang mga mangingisda at panatilihin ang freedom of navigation sa lugar.
Sinabi ni Burgos, malaki din ang ambag ng kanilang mga Maritime Informant Network (MIN) na nasiyang nagsisilbing mata at tainga ng militar sa pag monitor sa territorial waters ng bansa.
Siniguro ni Burgos na lalo pa nilang palalakasin ang kanilang territorial defense efforts sa nasabing lugar.
Sa ngayong nasakabuuang 41 air patrols at 19 surface patrols ang isinagawa ng Nolcom para protektahan ang soberenya ng bansa.