BUTUAN CITY – Nadagdagan ng limang bangkay ang narekober ng mga sundalo sa nagpapatuloy na hot pursuit operation matapos ang sagupaan na naganap noong nakaraang linggo sa bukiring bahagi ng Brgy. Kamanikan, Gingoog City, Misamis Oriental na border rin sa Las Nieves, Agusan Del Norte.
Napag-alamang nirespondehan ng tropa ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army ang sumbong sa sibilyan kaugnay sa presensiya ng armadong grupo na nagresulta sa bakbakan laban sa tinatayang 80 na miyembro sa Guerrilla Front (GF) 4A sa North Central Mindanao Committee (NCMRC) na humantong sa pagkapatay ng 10 rebelde.
Inilunsad ang pursuit operation sa tumakas na mga rebelde sa iba’t ibang direksiyon na naging dahil ng engkuwentro na kumitil naman sa limang rebelde.
Narekober naman sa nakubkob na kuta ng mga rebelde ang dalawang M16 rifles, isang AK47 rifle, isang Carbine rifle at isang M14 rifle na may iba’t ibang magazines at mga bala, communication gadgets at devices, 10 anti-personal mines, mga medical items at personal na mga gamit.
Positibong kinilala ng mga dating rebelde na sumuko sa gobyerno ang mga namatay na mga top ranking officers ng communist terrorist group na sina Rio Amor Yuson alyas Lema na siyang finance officer ng rebelde; Peter Mansaginda Pinakilid alyas Aloy na isang political officer ng GF4A pati ang isang Ian Dela Rama alyas Gian na front secretary ng GFC4A, NCMRC, isang Paquito Namatidong alyas Sangka at Peter Mansaginda Pinakilid alyas Aloy na political officer ng GF4A.