-- Advertisements --

Tiniyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson na lilinawin ng kanyang komite ang napabalitang recantation ng BGC Boys na dawit sa flood control anomaly.

Kinabibilangan ng tatlong dating mga Engr. ng DPWH na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza.

Kung maaalalala, napabalitang nais ng tatlo na bawiin ang kanilang mga naunang pahayag na may kinalaman sa mga alegasyon ng anomalya sa mga proyekto para sa flood control .

Bagama’t mariing itinanggi ng kampo ng mga nasabing Engr. ang mga ulat na ito, ayon kay Lacson, personal niyang ipaliliwanag at itatanong sa gaganaping pagdinig sa darating na Lunes kung mayroon bang sinuman o anumang grupo na nagtangkang impluwensyahan o baguhin ang kanilang mga testimonya.

Ito ay upang matiyak na ang lahat ng impormasyon ay maisama at maitala sa opisyal na rekord ng komite.

Idinagdag pa ni Lacson na kahit na sakaling magbago man ang kanilang testimonya sa pagdinig, nananatili siyang may sapat na ebidensya at mga dokumento na magpapatunay laban sa kanila at sa mga indibidwal na kanilang idinawit sa nasabing mga anomalya.

Sa kasalukuyan, sina Alcantara, Hernandez, at Mendoza ay patuloy na nakadetine at pinananatili sa kustodiya ng Senado habang isinasagawa ang imbestigasyon.