-- Advertisements --

Lumobo na sa 1,907,371 ang bilang ng mga naka-recover mula sa COVID-19 sa buong mundo.

Pero patuloy din naman ang pagtaas ng mga dinadapuan ng naturang sakit sa iba’t-ibang bansa na ngayon ay nasa 4,890,855 cases na.

Sa naturang bilang, 2,618,588 (98%) ang mayroong mild condition at 44,766 (2%) naman ang serious o critical condition.

Ang Estados Unidos pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo na ngayon ay may 1,550,294 cases at 91,981 deaths.

Sa buong mundo, 320,130 na ang mga nasawi mula nang maitala ang unang kaso nito noong Disyembre 2019.