-- Advertisements --

Hinimok ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda si Pangulong Rodrigo Duterte na kaagad magtalaga ng kapalit ni NEDA Sec. Ernesto Pernia.

Ito ay matapos na magbitiw sa puwesto si Pernia dahil bukod sa personal na rason, ay naging dahilan din ng kanyang resignation ang pagkakaiba nila ng kanyang mga kapwa gabinete sa paniniwala tungkol sa development.

Ayon kay Salceda, hindi dapat hayaang matagal na bakante ang posisyon na iniwan ni Pernia lalo pa at nahaharap ang bansa sa krisis bunsod ng COVID-19 pandemic.

“NEDA will be crucial to guiding our economic recovery efforts. We need a complete economic team in these difficult times,” ani Salceda.

Gayunman, dapat na ang ipapalit aniya kay Pernia ay may magandang record sa economic crisis management.

Samantala, suportado naman nito ang pagpili ni Pangulong Duterte kay DOF Usec. Karl Kendrick Chua bilang Acting Secretary ng NEDA.

Matagal na aniya niyang nakasama at nakatrabaho si Chua kaya batid nito ang galing at talino ng Acting Secretary ng NEDA.

“Karl has been my partner in the Comprehensive Tax Reform Program (CTRP). In the 2003 fiscal crisis, Karl was also among the thinkers who helped guide me in designing the reforms that enabled us to be fiscally and economically resilient this past decade,” ani Salceda.

Magandang oportunidad aniya ang agarang pagkakatalaga kay Chua bilang Acting Secretary ng NEDA dahil maipapabatid sa publiko at sa merkado na magiging robust at strategic ang economic response sa gitna ng COVID-19 pandemic.