BUTUAN CITY – Nadagdagan pa ang kinakaharap na kaso ng number 1 most wanted na New People’s Army (NPA) member sa regional target list ng Caraga, matapos mai-serve sa mga warrants of arrest habang nasa custodial facility ng Butuan City Police Station 1.
Mga kasong multiple attempted murder at attempted murder na may pyansang tig-P120,000 bawat-isa ang bagong kinakaharap ngayon ni Renalyn Gomez Tejero alyas Tiray at Lyn.
Inilabas ito ng Regional Trial Court Branch 34 sa lalawigan ng Agusan del Norte matapos na ini-uugnay sa pagpatay sa dalawang mga dating rebelde sa Surigao del Sur at pag-atake sa Alpha Company ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army sa Brgy. Hinimbangan, Kitcharao, Agusan del Norte nitong Pebrero a-5, 2017 at sa engkwentro laban sa Scout Platoon ng 29IB, PA noong Oktubre a-9, 2017 sa bukiring bahagi ng Brgy. Mahayahay sa nasabi ring bayan.
Matatandaang naaresto si Tejero sa joint police-army operation sa Brgy. Lapasan, Cagayan de Oro City nitong Linggo Marso a-21, base dalawang mga warrants of arrest sa kasong murder at multiple attempted murder.
Sumali si Tejero sa underground movement at NPA at ini-uugnay sa iilang mga atrocities na kanilang pinaghahasik sa buong rehiyon.