CENTRAL MINDANAO- Nasa labing tatlo ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsya ng Cotabato sa loob ng 24 oras batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office (IPHO) Cotabato at DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region.
Ito’y matapos makapagtala ng isang panibagong kaso ng Coronavirus Disease (Covid 19).
Ayon kay PIATF ICP HEAD, BM Philbert Malaluan na ito ay isang 23 anyos na babae mula sa bayan ng Midsayap, walang co-morbidity ngunit mayroong history of travel mula sa Maynila.
Sumailalim ito sa swab test pagkalapag nito sa Davao International Airport sakay ng isang commercial flight noong Agosto 19.
Tiniyak ni Dr. Malaluan na asymptomatic, nasa stable condition at kasalukuyang nasa LGU Isolation Facility ang pasyente.
Sa ngayon ay umakyat na sa 54 katao ang nagpositibo sa Covid 19 at mayroong 39 recoveries.