CENTRAL MINDANAO- Umakyat na sa 36 katao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya ng Cotabato.
Pinakahuling nagpositibo sa Covid 19 ang 32 anyos na lalaki mula sa bayan ng Midsayap Cotabato.
Noong Hulyo 13 ay dinala ang biktima sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) sa Cotabato City dahil sa sakit sa kidney o non covid patient.
Pagdating ng Hulyo 23 ay nahirapan na itong huminga kaya kinunan ng swab sample at nagpositibo sa Covid 19 sa RT-PCR test.
Nagpositibo rin sa Covid 19 ang isang Locally Stranded Invidual (LSI) mula sa M’lang Cotabato at may travel history sa Cebu.
Ang dalawang pasyente ay nasa maayos na kondisyon at asymptomatic.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng IATF-Cotabato ang health protocols sa mga LSI at ROF na uuwi ng probinsya.