Arestado sa isinagawang entrapment operation ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang indibidwal na nagpanggap na isang police officer para makapangikil ng pera sa Rodriguez,Rizal.
Ayon kay PNP IMEG Director Col. Romeo Caramat Jr, ikinasa nila ang entrapment operation alas-5:00 Linggo ng hapon sa loob ng Mini Stop Store, Del Pilar Street, San Rafael, Rodriguez, Rizal.
Nakilala ang suspek nasi Robel Yap Canlas, 59-anyos na nagpanggap ng police officer.
Agad siyang inaresto matapos tanggapin ang marked money na nagkakahalaga ng P4,000.00 mula sa complainant.
Inireklamo ng complainant na si Ms Maureen Coronel , isang PNP applicant, residente ng Upper Bangkal, Rodriguez (Montalban), Rizal.
Ayon sa complainant lumapit sa kaniya ang suspek na nagpakilalang si SPO2 Gerome Canlas at nag alok na tulungan siyang kumuha ng height waiver kapalit ng P40,000.00
Sinabi pa ng complainant October 23, 2018 ng ibinigay niya ang P40,000.00 sa suspek at matapos ang isang linggo hiningi niya ang height waiver pero sinabi sa kaniya ng suspek na huwag mag-alala at sinabi na mag produce ng P20,000 para sa nuero and medical examination.
Ang complainant ay PNP applicant simula pa nuong October 23, 2018.
Nakumpiska mula sa posisyon ng suspek ang mga sumusunod: 1 PNP Back pack, 1 Cal 45, with 6 ammo, 1 fake PNP ID, at 1 fake PNP badge.
Sasampahan ng kasong criminal ang suspek.