bikoy


Advincula

Kinumpirma ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde na isang ex-convict ang lumantad at nagpakilalang tunay na “Bikoy” na nasa likod ng mapanirang video “Ang Totoong Narcolist.”

Ayon kay Albayalde nahatulan na sa kasong large scale illegal recruitment at may nakabinbin pang kasong estafa sa National Bureau of Investigation (NBI) si Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si Alyas Bikoy.

Ayon kay Albayalde, anim na taong nakulong si Advincula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa dahil sa pagiging guilty sa kasong large scale illegal recruitment sa Bicol.

Isang dating seminarian si Advincula kaya posible nagamit niya ito sa panloloko ng kapwa.

Iniimbestigahan na ng PNP kung sangkot sa iligal na droga si Advincula dahil kung totoong siya si Alyas Bikoy malaki ang alam nito sa transaksyon ng iligal na droga sa bansa.

Samantala, isasailalim muna sa threat assessment ng PNP sakaling humingi ng security assistance si Advincula sa Pambansang Pulisya.