-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagpaalala ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Santiago City sa mga firecracker vendors sa Integrated Terminal Complex na sundin ang mga inilatag na na precautinary measures upang maiwasan ang sunog.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Chief Insp. Conrad Ian Casayuran, City Fire Director ng BFP Santiago City, sinabi niya na kakaunti pa lamang ang kumuha ng Fire Safety Certificate sa kanilang tanggapan bilang pangunahing dokumento para sa Business permit na siyang binibigay naman ng tanggapan ng CPLO.

Ipinayo ni Fire Chief Inspector Casayuran na makipag-ugnayan na lamang ang mga vendors sa pinuno ng kanilang samahan para maging isahan na ang pagkuha ng kanilang permit.

Ngayong taon sa loob ng Integrated Terminal Complex ang itinalagang lugar para sa mga firecracker vendors.

Tinatayang mahigit 10 stalls ang magbebenta ngunit sa ngayon ay iisa pa lamang ang nakapaglatag na ng kanilang mga panindang paputok

Mahigpit ang paalala ng Fire Marshall na tumugon sa mga panuntunan ng lokal na pamahalaan at marapat lamang na sumunod sa panuntunang ibinaba kaugnay sa mga dapat at hindi dapat na ibentang paputok upang hindi bawiin ang kanilang permit na magbenta.

Mahigpit na babantayan ng BFP katuwang ang PNP ang itinalagang Firecracker Zone at kukumpiskahin ang mga panindang paputok na wala sa otorisadong lugar.