Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang datos ng mga naitatalang krimen gaya ng murder, homicide, physical injuries at rape matapos ang striktong implementasyon ng Safer Cities Initiatives sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay PNP Directorate for Operations Acting Director PBGen. Ponce Rogelio Penines Jr., ang mga resultang ito ay mula sa pagkukumpara ng mga datos bago at matapos ang implementasyon ng naturang polisiya.
Aniya, batay sa datos, bumaba ng halos 39.3% ang nga naitalang kaso ng homicide, 22.9% naman ang ibinaba ng mga rape cases at 9.8% naman ang ibinaba ng mag naktatalang murder.
Samantala, sa kabila naman ng mga nagpapatuloy na talakayan hinggil sa ilang mga konsiderasyong ipapatupad kasabay ng pagpapatupad ng inisyatibong ito, magpapatuloy ang striktong pagpapatupad nito para mapanatiling ligtas ang mga lansangan at tahimik ang mga komunidad.
















