Nanumpa na bilang bagong prime minister ng Malaysia nitong araw si Muhyiddin Yassin.

Ito ay matapos na mapili si Muhyiddin ng hari ng Malaysia na si Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah bilang kapalit ng 94-anyos na si Mahatir Mohamad.

Nanumpa si Muhyiddin, 72-anyos, sa isang seremonya sa harap mismo ng hari, kung saan ipinangako niyang gagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang prime minister.

Sa panunumpa ni Muhyiddin nitong araw ay nawakasan na rin ang isang linggong kaguluhan sa Malaysia na nagsimula nang magbitiw sa puwesto si Mahatir.