-- Advertisements --

Nagsumite na rin ng kanyang courtesy resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Movie and Television Review and Classification Board Chair and CEO Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio.

Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ng pangulo para sa pagkakaroon ng revamp sa kanyang gabinete.

Sa liham na isinumite ni Sotto , sinabi nito na isang malaking karangalan na mapagsilbihan niya ang administrasyon at pamunuan ang MTRCB.

Binigyang diin nito na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay tiniyak nitong naipatupad ng ahensya ang kanilang mandato na tiyaking maaayos ang content na pinapanood ng publiko.

Ipinagpapasalamat rin nito ang oportunidad na ipinagkaloob sa kanya upang maging bahagi ng nation-building.

Si Sotto ay nagsilbi bilang Quezon City councilor at pinasok ang showbiz bago tuluyang na talaga bilang MTRCB Chief noong July 2022 ilang araw lamang bago naupo sa pwesto si PBBM.

Layon ng Pangulo na i recalibrate ang lahat ng kanyang mga Cabinet secretaries na bahagi ng kanyang administrasyon upang maging epektibo sa pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno.