catriona gray
Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray.

Emosyonal ang naging talumpati ni Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray sa kanyang final walk sa katatapos lamang na Binibining Pilipinas 2019.

Inilipat ni Catriona ang kanyang korona bilang Binibining Pilipinas 2018 sa bagong itinanghal na Binibining Pilipinas 2019 na si Gazini Christiana Ganados mula Talisay, Cebu.

Muling nagbalik tanaw ang beauty queen sa kanyang pinagdaanan upang makamit ang korona at dalhin ang pangalan ng Pilipinas sa kanyang pagkapanalo.

Nagpasalamat din si Catriona sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya at sa mga taong tumayo bilang kanyang sariling pamilya.

Narito ang bahagi ng talumpati ni Miss Universe 2019 Catriona Magnayon Gray:

Voice of Ms. Universe 2019 Catriona Magnayon Gray

Samantala, nasungkit naman ng pambato ng Talisay, Cebu ang korona bilang bagong Binibining Pilipinas 2019

Si Gazini Christiana Ganados, 25-anyos, ay ipinanganak sa Dapitan City, Zamboanga Del Norte. Ang ina ni Ganados ay isang Pilipina habang ang kanyang ama naman ay Palestinian.

Si Ganados ang magiging representative ng Pilipinas para sa 2019 Miss Universe na gaganapin ngayong taon.