Hindi maitago ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang tuwa at pagmamalaki sa pagkapanalo ni Ahtisa Manalo bilang Miss Universe Philippines 2025.
Magkasama ang dalawang beauty queens sa Batch 2018 ng Binibining Pilipinas, kung saan itinuturing ni Catriona si Ahtisa bilang “bunso” ng kanilang grupo.
Sa isang post sa social media platform na X (dating Twitter), ibinahagi ni Catriona ang kanyang mensahe para kay Ahtisa aniya “Proof that you should never ever give up on your dreams! So proud of you, Ahtisa!”
Nag-post din si Catriona sa kanyang Instagram Story ng pagbat; “She did it! Thailand, are you ready? Let’s go!”
Nakatakdang i-representa ni Ahtisa Manalo ang Pilipinas sa Miss Universe 2025 na gaganapin sa Nobyembre 21 sa Bangkok, Thailand.
Samantala, iba pang kinoronahang kandidata sa katatapos lang na Miss Universe Philippines pageant ay sina:
- Katrina Llegado ng Taguig City bilang Miss Supranational Philippines
- Gabriella Carballo ng Cebu City bilang Miss Eco International Philippines
- Chelsea Fernandez ng Sultan Kudarat bilang Miss Cosmo Philippines
Itinanghal namang 1st runner-up si Winwyn Marquez ng Muntinlupa at 2nd runner-up si Yllana Aduana mula sa Siniloan, Laguna.