-- Advertisements --

May bagong loveteam na pinag-uusapan sa social media — ang ”ViCat,” ang pinagsamang pangalan nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nag-ugat ang usap-usapan matapos mapansin ng fans na nag-follow na sa isa’t isa sa Instagram sina Vico at Catriona noong Hunyo 4, 2025. Bagama’t walang kumpirmasyon kung anong dahilan ng pag-follow, marami ang na-excite at nagsabing “bagay sila.”

Pareho umanong single ang dalawa, at may nagsabing baka raw maging “perfect couple” dahil pareho silang born-again Christian.

Nagbigay din ng reaksyon ang award-winning writer na si Jerry Gracio sa kanyang X (dating Twitter), aniya ”Ambabaw ng kilig ng mga accla, pero wa kayo pake… E di kayo na ang deep.”

Samantala, hatid naman ng iba’t ibang netizens ang halo-halong opinyon—may natuwa, may nagsabing dapat hayaan si Vico sa kanyang trabaho bilang alkalde, at may ilan ding may ibang nais para sa kanya.

Maalalang si Catriona ay huling na-link sa aktor na si Sam Milby, kung saan inanunsyo nila ang engagement noong 2023. Ngunit noong 2024, umugong ang balitang hiwalay na sila matapos mapansing binura ni Catriona ang mga larawan nila sa social media.

Samantala, si Vico naman ay kilala sa pagiging pribado sa kanyang personal na buhay at iniwasan ang showbiz intrigue, ayon na rin sa kanyang ina na si Coney Reyes, na nagsabing wala pa siyang naipapakilalang girlfriend si Vico.