-- Advertisements --
Most wanted NPA leader sa Southern Mindanao arestado at pinadeport mula sa Malaysia

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ngayon ng Philippine National Police ang top most wanted leader ng komunistang grupong New People’s Army matapos maaresto ay bansang Malaysia at maipadeport muli pabalik sa Pilipinas.

Sa ulat ni PNP Chief PGen Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang nasabing suspect na si Eric Jun Baring Casilao na isang wanted sa bansa dahil sa kinasangkutang kaso ng kidnapping, serious illegal detention, at attempted murder.

Si Casilao ay subject ng maraming warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa nasabing mga kaso at kaugnay nito ay nag-alok din ang gobyerno ng aabot sa P5.4 million na halaga ng pabuya para sa anumang mga impormasyon maaaring makapagturo sa lokasyon ng nasabing suspek.

Sa ulat, lumipad patungong Malaysia si Casilao kasama ang kaniyang asawa na si May Vargas Casilao na wanted din sa Pilipinas dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention, at attempted murder, upang takasan ang mga otoridad.

Ngunit naaresto si Casilao ng Malaysian Police sa check in counter ng Langkawi immigration noong Abril 1, 2023 gamit ang fake travel documents, dahil dito ay ipinadeport ito sa Maynila kahapon Abril 17, 2023.

Dahil dito ay nagpahayag naman ng pasasalamat si Gen Azurin sa Malaysian authorities dahil sa kanilang naging kooeprasyon sa pag-aresto sa nasabing mga high-value communist terrorist.