-- Advertisement --
marines1 1

Patay ang isang most wanted person na Abu Sayyaf financier matapos na makipaglaban sa mga tropa ng 4th Marine Brigade sa Luuk, Sulu.

Kinilala ni Maj. Emery Torre, director ng Public Affairs Office ng Philippine Marine Corps ang suspek na si Aldasir Makumbong, alias Alsimar Mangumah.

Sinabi ni Toree, wanted ito sa pagpatay sa isang negosyante sa Zamboanga City, at iba pang krimen kabilang ang robbery at illegal na droga.

Ang suspek ay pinaghihinalaan ding financier ng Abu Sayyaf group at kilalang nagbibigay ng suporta kay Abu Sayyaf Commander Addal.

Matapos tamaan sa pakikipagpalitan umano ng putok sa mga otoridad, na nagsagawa ng law enforcement operation sa kanyang hideout, ang suspek ay dinala sa Luuk District Hospital kung saan idineklara itong dead on arrival.

Narekober ng mga tropa sa pinangyarihan ng insidente ang isang M14 rifle kasama ang magazine, tatlong basyo ng bala, at isang kahon ng tuyong marijuana na nagkakahalaga ng P30,000.