-- Advertisements --
Hindi ikinatuwa ng mga dumalo sa moment of silence ng mga nasawi sa pamamaril sa Bondi beach ang pagdalo ni Australian Prime Minister Anthony Albanese.
Isinagawa kasi ang paggunita matapos ang isang linggo noong mangyari ang madugong insidente.
Isa sa 15 nasawi ay ang 10-anyos na British-born rabbi na batang babae.
Nakatanggap ng ‘boo’ ang Australian Prime Minister bilang pagpaparating sa galit ng mga Jewish community sa Australia.
Naging mahigpit ang ipinatupad na seguridad kung saan isang lalaki ang inaresto ng kapulisan dahil sa tangkang paglapit sa Prime Minister.
















