Tiniyak ng Department of Health (DoH) na “free from contamination” ang Moderna Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine shots na dumating sa bansa.
Ito ang paglilinaw ng kagawaran ilang aeraw matapos ipinatigil ng Japan ang pagmamahagi ng nasabing bakuna dahil sa isyu ng contamination.
Nauna nang sinabi ng health ministry ng Japan na may natagpuan na mga “foreign materials” sa mga hindi naggamit na Moderna vaccines.
Ito ang dahilan kung bakit kasalukuyang pinatigil ang paggamit ng nasa 1.63 million doses na ginawa sa parehong linya ng produksyon.
Nilinaw naman ng US biotechnology firm na ang mga bakuna na sinasabing depektoso ay ‘yung mga nakatakang ipapadala sa Japan.
Sinabi ni Health Usec Ma Rosario Vergerie na ‘yung mga contaminated na batch lang ng bakuna ang itinakwil at hindi lahat ng shipment na natanggap ng Japan mula sa Moderna.
Aniya, sa bawat delivery ng bakuna, mayroon itong lots and batches, ibig sabihin, ang isang batch ay maaaring iba sa ibang batch.
Dagdag pa nito na sinuri nila ang lahat ng batches ng bakuna bago gamitin at wala silang nakitang kontaminasyon sa mga na-ideliver na Moderna.