-- Advertisements --
Nilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na may contest mechanism pagdating sa No Contact Apprehension Policy (NCAP). Ito ay kasunod ng pangamba ng publiko na paano kung hindi ang mismong may-ari ng sasakyan ang nahuli at ipina-drive lang ito.
Ayon kay Artes, kailangan nilang magpasa ng affidavit na nagpapaliwanag sa sitwasyon at dapat may kopya ng lisensya. Aniya, ito ay kakailanganin ng hearing upang matiyak na hindi talaga siya ang driver na nag-violate
Dagdag pa niya, hindi na makakaya kung lalagyan pa ng facial recognition feature ang AI cameras na ginagamit sa NCAP.