Pinag-iisipan ngayon ni retired US-based Mixed Martial Arts fighter Mark Muñoz na bumalik sa pakikipaglaban.

Sinabi nito na bumalik na siya sa pagsasanay sa ilalim ni UFC veteran Ovince Saint Preux.

Humanga sa kaniya si Preux dahil sa nanantili pa rin ang kaniyang lakas at bilis sa pakikipaglaban.

Isa kasi si Muñoz na top contenders ng UFC sa middleweight division.

Nagretiro ito noong 2015 sa edad 37.

Huling tinalo nito si Luke Barnatt sa promotional inaugural card sa Manila.

Dagdag pa nito na walang magiging problema sa kaniya na lumaban muli dahil hilig talaga niya ang nabanggit na sport.

Hinikayat din siya ni UFC fighter Brandon Vera na bumalik na sa Pilipinas para dito na ipagpatuloy ang kaniyang laba.