Patay ang isang hinihinalang miyembro ng urban terrorist group ng Abu Sayyaf group (ASG) na nakilalang si Adsmas Asnilon.

Batay sa report ng pulisya, may mga bitbit itong materyales sa paggawa ng bomba.

Ilang linggo na ring minamanmanan ng intelligence operatives ng Zamboanga City police ang nasabing suspek dahil umano sa kaduda dudang mga galaw.

Bandang alas-9:00 kagabi nang isinagawa ang operasyon.

Dahil daw sa nanlaban sa mga operatiba ay napatay ang suspek.

Ang pagkakapatay sa suspek ay kasunod nang pagsabog sa Sulu kung saan lalo pang pinaigting ng militar at pulisya ang seguridad maging sa Zamboanga City.