Bumangon ang Utah Jazz kasabay nang pagbabalik ni Donovan Mitchell na nagbuhos ng 25 points upang itabla ang serye sa Memphis Grizzlies sa tig-isang panalo sa first-round playoff series.
Nakalusot ang Jazz sa pagposte ni Ja Morant ng franchise-record na 47 points upang itala ang 141-129 win.
Si Morant ang unang player sa kasaysayan na umiskor ng mahigit sa 71 points sa unang dalawang career playoff games.
Inabot lamang ng 26 minutes si Mitchell sa kanyang pagbabalik mula sa sprained ankle, kung saan kasama sa naipasok niya ang limang 3-pointers.
Ang iba pang Jazz players ay nagpakita rin ng tig-dalawang digits na puntos kabilang sina Rudy Gobert na may 21 points, 13 rebounds at four blocks; si Mike Conley ay nagdagdag ng 20 at nagpakita naman sa kanyang career-best na 15 assists si Bojan Bogdanovic na meron ding 18 points.
Ang Fil Am na si Jordan Clarkson kung saan iginawad sa kanya ang award bilang Sixth Man of the Year bago ang game ay nagkasya sa 16 points.