Binitbit ni Donovan Mitchell sa panalo ang Utah Jazz gamit ang 27 points para talunin ang Brooklyn Nets, 125-102.
Inabot din ng walong games na hindi nakalaro si Mitchell bunsod ng injury kung saan inabot sila ng 2-6 record.
Natikman naman ng Nets ang ika-pitong sunod na laro na maituturing na season high dala na rin ng kawalan ng ilan sa kanilang stars.
Malaking tulong naman sa ika-32 panalo ng Jazz ang ginawa ni Bojan Bogdanovic na may 19 points.
Sa panig ng Brooklyn ang rookie na si Cam Thomas ay nagposte ng career-high na 30 points.
Si Kyrie Irving ay nagpakita naman ng 15 points.
Ang mga scorers ng Nets ba hindi pa rin nakakalaro dahil sa injuries ay sina James Harden (hamstring), Kevin Durant (knee), LaMarcus Aldridge (ankle) at Joe Harris (ankle).