iloilo 1
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nasa advanced state of decomposition na nang natagpuan ang bangkay ng isang barangay kagawad sa isang kubo sa Barangay Huna, San Joaquin, Iloilo.

Ang biktima ay nakilalang si KagawaD Arthur Doñan, 53.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Dionisio Estacio, hepe ng San Joaquin PNP, sinabi nito na may nakitang sugat sa ulo ang kagawad na pinaniniwalaang tama ng bala.

Nakatakda namang isailalim sa autopsy ang biktima.

May tatlong persons of interest na sinusundan ang mga imbestigador na pawang residente rin sa lugar.

-- Advertisement --

Sinasabing bago ang nangyaring pagpatay sa kagawad, nakita ito sa isang inuman at mayroon itong mga nakasagutang kasamahan.