Abala man sa pre-pageant activities ng 2019 Miss Universe, mistulang tumutok din ang pambato ng bansa na si Gazini Ganados sa pormal na pagsisimula ng Southeast Asian (SEA) Games ngayong December 1.

Kasabay nito ay ipinaabot ng 23-year-old Fil-Palestinian beauty ang “good luck” wish nito para sa mga kababayang atleta na sasabak sa iba’t ibang sports.

“Wishing the Filipino athletes the best of luck in their respective games. Ipakita ang galing at lakas ng Pilipino. Laban Pilipinas! 🇵🇭” bahagi ng online post nito.

Kagabi, sa pamamagitan ng engrandeng opening ceremony sa Philippine Arena ay pormal na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng SEA Games 2019.

Gazini wearing Inaul

Ngayong araw ay orientation day ni Gazini at iba pang Miss Universe candidates sa host country sa Atlanta, Georgia.

Una rito, pinakaunang Miss Universe activity na dinaluhan ng Cebuana model na tubong Zamboanga ay ang Thanksgiving Dinner kung saan isinuot nito ang “Inaul” na traditional woven cloth ng Maguindanao.