FB Facebook

LAOAG CITY – Masakit umano sa loob para kay Mrs. Maribel Arellano, asawa ng pulis, tubong Baguio City at naninirahan sa Barangay Balatong sa lungsod ng Laoag na maakusahang isang suicide bomber na kumalat pa sa social media.

Sa ekslusibong panayan ng Bombo Radyo kay Arellano, sinabing natatakot na umano siya dahil sa ikinakalat ng pekeng account sa Facebook na nakapangalan sa kanyang mister.

Iginiit nito na walang katotohanan ang alegasyon at ang dahilan kung bakit nasa lungsod soya ay para matahimik ang kanyang pamilya dahil napagbintangan itong magnanakaw sa lungsod ng Baguio gamit din ang pekeng account.

Una rito, sinabi ni Arellano na noong pina-check up niya ang anak sa Laoag City General Hospital (LCGH) ay nagulat na lamang umano ito dahil may lumapit na isang pulis.

Maayos umanong inaya ng pulis si Arellano sa labas ng ospital at dito niya nalaman na tumawag ang mismong ospital sa PNP para ipaalam na nasa loob siya ng LCGH.

Samantala, emosyonal na umapela si Mrs. Arellano na itigil na ang pagpapakalat ng walang katotohanang impormasyon dahil labis na naapektuhan ang kanyang pamilya lalo na ang kanilang mga anak.