-- Advertisements --
Natagpuang tadtad ng saksak sa kaniyang katawan ang isang 42-anyos na ginang sa loob ng kaniyang bahay sa Caloocan City.
Nagulat na lamang ang mga kapulisan ng tunguhin ang lugar at nakitang nakahandusay ang biktimang si Florinda De Bellon.
Bago ang insidente ay nakarinig ang mga kapitbahay nito na may humihingi ng saklolo sa lugar.
Nadiskubre lamang ang insidente ng ihatid ng ama ng biktima ang apo nito sa kanilang bahay sa E. Castillo, Brgy. 31.
Naaresto naman ang suspek na isang 21-anyos na kapitbahay ng suspek.