ILOILO CITY – Nagulantang ang 53-anyos na misis at ang umano’y kalaguyo nito matapos na pasukin ng isang hindi kilalang babae ang kanilang inokupang kuwarto sa isang lodging house sa Molo, Iloilo City.

Ayon sa misis na isang Overseas Filipino Worker, nakaligtaan nilang i-lock ang pintuan ng kanilang silid.

Inihayag ng OFW na responsibilidad na sana ng roomboy na hindi papasukin ang sinuman sa kuwartong “occupied” na.

Nagulat rin daw ang babae ayon sa OFW ng makita na maling kuwarto ang kanyang pinasukan.

Tumangging magbayad ang OFW sa tatlong oras nilang pamamalagi sa lodging house dahil na rin sa nasabing karanasan.