-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-isolate ngayon ang isa namang vice mayor dahil tinamaan ng local transmission ng coronavirus disease 19 sa bayan ng Talisayan, Misamis Oriental.

Ito ang ay matapos umakyat pa sa limang mga bayan ang napasok ng local transmission ng bayrus simula nang pinapauwi ang daan-daang mga locally stranded individual at returning OFWs sa mga probinsya mula sa Metro Manila.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Misamis Oriental Provincial IATF chief Dr Jerie Calingasan na agad nito pina-focused contained ang Barangay San Jose kung saan nakabase ang bise-alkalde ng lugar.

Inihayag ni Calingasan na layunin nito na hindi madagdagan ang bilang ng mga residente na magkaroon ng local transmission.

Bagamat hindi naman malubha ang kalagayan ng 37 anyos na opisyal kung saan pinaghinalaan na nakuha nito ang bayrus nang naki-vigil sa kanilang kakilala sa kalapit na barangay noong nakaraang linggo.

Kasalukuyang 22 na ang local transmission cases na kinabilangan ng isang 80 anyos na bise-mayor din mula Naawan ng lalawigan bagamat nakalabas na ng pagamutan.